Fireworks factory worker – patay nang sumabog ang ginagawa nitong kwitis

Patay ang isang babaeng fireworks factory worker matapos biglaang sumabog ang ginagawa nitong kwitis sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Police Major Isabelo Mondeajar, hepe ng Bocaue Municipal Police Station-Bulacan Police Provincial Office, kumpleto ang lisensiya ng pabrika ng fireworks at ang babae lamang ang naaksidente sa kanyang mga ka-trabaho.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Dahil sa nangyaring inisdente, iimbestigahan din ng nasabing istasyon ang mga firecrackers factory sa munisipalidad ng Bocaue.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Samantala, naghihintay naman ng complainant ang naturang himpilan dahil hindi naghain ng reklamo ang kamag-anak ng biktima.