Taas-presyo sa mga SUVs na paparada sa Paris, ipapatupad sa 2024

Ipapatupad na ng Paris ang taas-presyo sa mga paparadang SUVs sa susunod na taon.

Ayon kay Deputy Mayor David Belliard, kailangan nang mabawasan ang bilang at laki ng mga sasakyan sa lungsod.

Hinimok ni Belliard ang mga car manufacturers na tigilan na ang paggawa ng nasabing sasakyan dahil masyadong mahal at nagpapasikip pa ito ng parking spaces sa siyudad.

Taliwas naman ito sa paniniwala ni Philippe Noziere, Pangulo ng Car drivers’ association na kapag mas mabigat at mas malaki ang pagmamay-aring sasakyan ay mas ligtas itong gamitin.

Samantala, dahil mahirap makilala mula sa iba pang modelo ng sasakyan ang mga SUVs – nais ng City Hall na magpataw ng mas mahal na bayad sa paradahan para sa mga thermal engine na sasakyan na may timbang na higit sa 1.6 tonelada at para sa mga de-kuryenteng sasakyan na higit sa dalawang tonelada.