274 kaso ng Dengue naitala sa buong Camarines Sur

CAMARINES SUR- 274 na ang kaso ng Degue sa Camarines Sur ngayong taon base sa tala ang Department of Health Bicol.

Sa nakuhang datus ng Brigada News FM Naga sinabing 13 ang kaso noong Oct. 15 hanggang 28. Pinakamataas ang Naga City sa kabuuhang bilang na 61, sumunod ang Pili at Sipocot na may 23 kaso at Bula na may 20 kaso.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Bula Municipal Health Officer Dr. Evangeline Consulacion, sinisikap nila na hindi na ito madagdagan pa. Tuloy-tuloy ang pag-iikot para sa mga abiso at hakbang laban sa dengue. Inaabisuhan din ang mga paaralan na magmonitor din ay gawin lagi ang 4S o ang “Search and destroy” sa mosquito-breeding sites, gawin ang “Self-protection measures”, “Seek early consultation” at “Support fogging/spraying”.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless