Pagkakaroon ng Database ng mga Kabataan planong gawin ng bagong SK Federation Pres. sa Olongapo

Plano ng bagong Sangguniang Kabataan Federation Pres. sa Olongapo City na magkaroon ng Database ang mga kabataang residente ng lungsod.

Ito ay para mayroong datos o magamit sa Youth Profiling sakaling kailanganin para sa mga programa ng gobyerno at iba pa.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Ayon kay SK Fed. Pres. Ysay Hernandez, isasama rin sa planong database kung anong grupo nakapaloob ang isang kabataan para madali itong ma-identify kapag kailangan.

Aniya, basic information lamang ang kukunin at hihingin rin muna ang consent ng indibidwal, sakaling hindi pumayag ay hindi naman ito pipilitin.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Samantala, maliban dito, tututukan rin umano ng SK ang mga programang may kinalaman sa Environmental Protection at iba pa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO