Probinsiya ng Sarangani posibleng magdeklara ng State of Calamity

Posibleng magdeklara ng state of calamity ang probinsiya ng Sarangani dahil sa matinding pinsala na inabot ng probinsiya dulot ng magnitude 6.8 na lindol.

Maraming gumuho at nasirang imprastraktura dulot ng malakas na pagyanig noong Biyernes.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Hindi rin nakaligtas ang Munisipyo ng Glan na halos gumuho ang buong gusali sa tindi ng pagyanig.

Ayon sa local engineering department aabutin ng P20 milyon ang gastos para maayos muli ang munisipyo.

Sinabi ni Glan Sarangani Mayor Victor James Yap na maliit lang ang calamity fund ng probinsiya kaya kulang sila sa pondo para maipaayos agad ang gusali at iba pangnasira.

Read More:  Seven suspected vintage bombs found at QC junk shop

Pansamantala munang gagawing opisina ng lokal na pamahalaan ng Glan ang isang gymnasium habang inaayos at pinag-aaralan pa ng munisipyo ang mga nasirang kagamitan.