38 hog raisers sa Sultan Kudarat, nabigyan ng sentinel pigs ng DA 12

NAMAHAGI ang Department of Agriculture o DA Region 12 sa ilalim ng livestock program ng sentinel packages sa 38 hog raisers sa Sultan Kudarat. Ito ay sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE program ng DA na may layuning mapaigting ang hog production at mangin estable ang presyo ng karne ng baboy.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Kabilang sa benepisyaryo nito ang nga hog raisers sa President Quirino, Esperanza, at Lutayan na nakatanggap ng feeds, veterinary drugs at mga biik. Ang mga “sentinel piglets” ay isasailalim sa 40-day clinical trial period upang masuri kung mayroon pang presensya ng African Swine Fever (ASF) virus sa kanilang mga lugar.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte