LEGAZPI CITY – Idineklara nang drug-free municipality ang bayan ng Malilipot, Albay.
Kasunod ito ng deliberation ng Regional Oversight Committee ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol at iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Nakapasa umano ang lokal na gobyerno ng nasabing bayan sa balidasyon.
Pangatlo na umano ang nasabing bayan sa mga ideneklarang drug-free sa lalawigan kung saan nauna ang mga bayan ng Camalig at Jovellar.
Umaasa naman ang ahensya na madadagdagan pa ang mga idedeklarang drug-free municipality sa mga susunod na araw.