NIA nagpaliwanag sa sobrang delay ng rehabilitation sa nasirang bahagi ng Bactas Communal Irrigation System

CAMARINES NORTE – Nagpaliwanag ang National Irrigation Administration (NIA) hinggil sa sobrang pagka- antala ng rehabilitation o sa pagsasaayos sa nasirang bahagi ng Bactas Communal Irrigation System sa Barangay Bactas, Basud, Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Mar Villamonte, Information Officer ng NIA- Camarines Norte na hindi naman sila nagpabaya para agad na maisaayos ang Bactas CIS

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Paliwanag ni Villamonte na naipasa na nila ang mga kinakailangang dokumento sa kanilang regional office tulad ng program of works at mga resolutions.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa pagkasira ng naturang irrigation system apektado ang nasa 100 ektarya ng rice land at ang kabuhayan ng nasa 130 magsasaka.

Tiniyak naman ni Villamonte na isasaayos ang naturang irrigation system at ito aniya ay kabilang sa priority projects sa 2024.