Mga mangingisda sa Garchitorena , Camarines sur inaabisuhang huwag nang pumalaot dahil sa binabantayang LPA

CAMARINES SUR- Inaabisuhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRM) Garchitorena ang lahat ng mangingisda na huwag na munang pumalaot .

Ito ay dahil sa Low Pressure  Area na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer  Jeanette Bombase, sinabi nitong kahapon pa sila nakakaranas ng masungit na panahon dahil sa  Hanging Amihan. Pagbugso-bugso ang hangin at ulang nararanasan. Lumalakas rin ang alon kahit  hindi pa nakabandera ang Gale Warning.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu
Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Inabisuhan na nito ang mga Punong Barangay na magbigay na ng babala sa mga pumapalaot ng malayo,  lalo na ang mga inaabot ng ilang araw sa gitna ng karagatan.