Kasong katiwalian kaugnay sa PDAF scam laban kay dating Cong. at ngayo’y Gov. Carlos Padilla, ibinasura ng ombudsman

Ibinasura ng Ombudsman ang kasong katiwalian may kaugnayan sa PDAF o Pork Barrel Scam laban kay dating Congressman at ngayo’y Nueva VIzcaya Gov. Carlos Padilla.

Sa 17-pahinang resolusyon, ang anti-graft and corruption body ay pinawalang bisa ang naturang kaso dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya para patunayan ang kasong isinampa laban sa kanya.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Simula nang maidugtong ang pangalan ng opisyal sa naturang kontrobersya, marami na umano sa mga kalaban niya sa politika ang ginamit ang isyung ito upang ma-discredit ang kredibilidad ng gobernador.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Hindi rin umano ito ang unang pagkakataon na inakusahan ng korupsyon ang pulitiko at inaasahan na hindi ito ang huli.

Gayunman, naniniwala ang opisyal na mananatili ang kanyang magandang reputasyon sa kabila ng mga ibabatong isyu at paratang laban sa kanya.