Mga nakatakas sa isang detention facility sa Tondo, Maynila – nakabalik na ng kulungan

Sa Bacoor City sa Cavite naaresto ng mga awtoridad ang huli at pang siyam na Person Deprived of Liberty na nakatakas sa Manila Police District (MPD) Station 1 sa Raxabago St., Tondo, Maynila.

Kinilala ni MPD Spokesperson PMaj. Philipp Ines ang PDL na si Jefferson Bunso Tumbaga.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Ayon kay Maj. Innes, alas 2:15 kaninang madaling araw nang maaresto ang PDL ng mga elemento ng MPD sa SBUC Compound Soldiers Hill Narra St Molino Road sa Bacoor.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Maaalalang, niong November 8 nang tumakas ang siyam na PDL sa pamamagitan ng pagsira ng mga ito sa bakal ng kanilang detention facility.

Ang mga ito ay may kinasasangkutang kasong droga, illegal possession of firearms at iba pa.