Mga kaalyadong bansa ng Pilipinas, kinondena ang pangha-harras ng China

Ikinabahala ng mga kaalyansang bansa ng Pilipinas paulit-ulit na umano’y pambu-bully ng mga Chinese sa West Philippine Sea, matapos tangkaing harangin ng mga barko ng China ang isa pang resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kabilang sa mga sumuporta sa panig ng Pilipinas ang Amerika, United Kingdom, Canada, Australia at New Zealand.

Ayon sa US, nananatili silang kaalayado ng Pilipinas pagdating sa paulit-ulit na pangha-harrass ng People’s Republic of China’s (PRC).

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Nanawagan naman ang New Zealand na umiwas sa mga aksyon na maglalagay sa panganib sa mga Pilipino, nagpapahina sa katatagan ng rehiyon, at para sa mapayapang paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan alinsunod sa UNCLOS.