Kaligtasan sa pagkain. ‘Yan ang gustong matiyak ng Department of Agriculture (DA) kung kaya nakikipagtulungan na ngayon sa Department of Trade and Industry (DTI) upang maalis na sa mga public wet markets ang mga frozen products.

Alinsunod na rin ito sa iniaatas ng DA Administrative Order 6-2012, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbenta ng frozen meat sa mga wet market dahil sa bansa ng kontaminasyon.
Una rito, naglabas ng paalala sa publiko ang kagawaran ng agrikultura kaugnay sa mga mga ibenebentang frozen products sa mga public market na madalas ay walang refrigeration facilities.
Nabatid na binalaan ni Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano ang mga negosyante at vendor hinggil sa usapin habang paalala sa mga mamimili na siguraduhin na may tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang matiyak ang kaligtasan sa pagkain.