Kumpanyang nag mamay-ari ng Miss Universe, naghain ng bankruptcy sa Thailand

Nag-file ng bankruptcy ang Thai media company na nagmamay-ari ng Miss Universe beauty pageant brand.

Ginawa ng JKN Global Group ang anunsyo sa isang pahayag sa Thai Stock Exchange, dalawang buwan pagkatapos nitong makaligtaan ang deadline sa pagbabayad ng mga abono na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $12 milyon.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Maalalalang binili ng media mogul at transgender rights campaigner na si Anne Jakapong Jakrajutatip ang Miss Universe Organization (MUO) noong 2022 sa halagang $20 milyon.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Nangako naman si Anne na lagi niyang uunahain ang MUO gaano man kasaya o kasakit ang nangyayari sa kanyang buhay.

Nagpasalamat din siya sa suporta ng netizens sa kanyang kompanyang JKN Global Group.