Pilipinas at Timor Leste, nagkasundong palakasin pa ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan

Naging matagumpay ang isinagawang bilateral meeting sa Malacañang nina Pangulong Bongbong Marcos at Timor-Leste president José Ramos-Horta.

Tinalakay ng dalawang lider ang mga pamamaraan para palakasin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang mga larangan kabilang na sa technical, political, educational, at economic partnerships.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Samantala, inimbitahan naman ni Horta si Marcos na bumisita rin sa Timor-Leste.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Wi-nelcome naman ni Marcos ang imbitasyon ng Timorese president at idiniing makatutulong ito sa relasyon ng dalawang bansa.

Nagpsalamat din si Horta sa suporta ng Pilipinas sa membership ng Timor-Leste sa ASEAN.