COMELEC-Naga patuloy ang pagtanggap ng mga SOCE

NAGA CITY – Ang pagtanggap ng isinusumiteng SOCE  o Statements of Contributions and Expenditures ng mga kumandidasto sa Naga City sa katatapos pa lang na Barangay and Sk Elections ang pinagkakaabalahan ngayon ng Commission on Elections (COMELEC)-Naga.

Mula umaga hanggang alas-5 ng hapon ay abala sina Atty. Maico Julia Jr.,COMELEC Officer ng lungsod sa pag estima sa mga kumandidato.

Read More:  1,840 liters of diesel worth ₱184,000 seized in Negros Occidental

Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Julia, sinabi ng abogado na halos mayoriya sa mga ito ang nagsusumite ng kani-kanilang SOCE, panalo man o natalo sa halalan.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Alam naman aniya ng mga kumandidato na hanggang Nobyembre 29 pa ang deadline ng kanilang pagtanggap sa SOCE.

Samantala nabanggit ni Julia na sana ay ibalik sa automated ang halalan para maiwasan ang mga pagkakamali sa bilang ng mga boto.