DFA, pinayagang makapasok sa bansa ang mga asawang Palestino ng mga Pilipino galing Gaza

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na papayagang makapasok ng bansa ang mga Palestinong asawa ng mga Pilipino mula sa Gaza.

Ayon kay Undersecretary Eduardo de Vega, maaari silang magbigay ng visa sa mga asawang Palestinian sakaling magdesisyon silang bumalik sa bansa dahil aniya, may karapatan sila na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Hindi pinapangako ng Israel na lahat sila ay makakatawid pero kapag nakapasa sa security check ang mga Palestino, papayagan na ang mga ito.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Sa ngayon, isinasagawa na ang security checks sa 38 asawang Palestinian at 100 Pilipino.