DTI Sorsogon, sinimulan na ang monitoring sa presyo ng mga Noche Buena products

Nagsimula na ang Department of Trade and Industry Sorsogon sa kanilang regular na monitoring sa presyo ng mga Noche Buena products, ito ang kinumpirma ni Dory Laguna ng DTI-Sorsogon sa panayam ng Brigada News.

Ayon dito, bagama’t hindi kabilang sa mga basic commodity ay kailangan pa rin nilang regular na imonitor ang nasabing mga produkto upang maiwasan ang pagtaas sa presyo ng mga ito lalo pa na in demand ang mga ito sa ganitong season.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender
Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Paglilinaw ni Laguna, sa ngayon ay wala pang inilalabas ang DTI Head Office na updated suggested retail price ng mga noche buena products kung saan ang kanilang ginagamit na batayan sa kasalukuyan ay ang SRP noong nakaraang taon.