Gunman sa Juan Jumalon slay case, malapit nang matunton ng PNP

Nalalapit nang sampahan ng reklamo ng Philippine National Police (PNP) laban sa gunman na pumatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon.

Ayon kay PNP Spokesperon Col. Jean Fajardo, batay sa huli nilang pag-uusap ng Misamis Occidental PNP may karagdagan na silang impormasyon nakuha para matukoy ang gunman.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Sinabi pa ni Fajardo na iniimbestigahan na ng PNP ang posibilidad na may kinalaman sa agawan sa lupain ang dahilan sa krimen.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Nabatid na ang bahay ni Jumalon kung saan siya nagbo-broadcast ay mayroong problemang legal.

Samantala, matipid pa ngayon sa impormasyon ang mga otoridad hinggil sa kaso dahil gumugulong pa ang imbestigasyon.