2 testigo ni Camilon, nasa pangangalaga ng PNP-CIDG Region 4A

Nasa pangangalaga na ng PNP-CIDG, Region 4-A ang dalawang testigo sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay Police Col. Jacinto Malinao, director ng PNP-CIDG, Region 4-A, nagpapasalamat ito sa pagdulong ng mga witness sa kanilang tanggapan dahil ilang araw na silang nananawagan na may tumulong sa kaso.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Hinggil naman sa mga testigo, sinabi ni Malinao na galing ang mga ito sa pinag-aplayan sa Bauan at habang sila’y papauwi huminto muna dahil naiihi ang isang backride.

Natiyempuhan aniya nila ang dalawang sasakyan at nakita nito habang nakailaw ang headlight ng sasakyan ay may buhat buhat ang mga persons of interest ng babaeng duguan ang ulo at katawan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dagdag pa ni Malinao, hindi na natapos ang pag-ihi ng isang testigo dahil tinutukan na ito ng baril at sinabihan na kung ayaw nilang madamay ay umalis na lamang sila.

Samantala, dine-deny naman ng magulang ng biktima na may relasyon si Catherine at ang isang pulis na POI.