Indonesia, niyanig ng 7.1 magnitude na lindol

Niyanig ng 7.1 magnitude earthquake ang bansang Indonesia.

Naramdaman ang lakas ng lindol sa lalawigan ng Saumlaki sa Isla ng Tanimbar.

Read More:  Catholic priest killed after large crucifix falls on him during Mass in Ecuador

Ayon sa isang residente doon na si Lambert Tatang, sobrang lakas ng earthquake pero hindi naman nag-panic ang mga tao dahil sanay na sila na magkaroon ng lindol.

Matapos anilang malaman na walang tsunami threat, bumalik ang mga residente sa dati nilang gawi sa buhay.

Read More:  17 killed, over 20 injured in stampede at India’s Durga Puja festival

Batay sa ulat ng United States Geological Survey, wala namang naiulat na pinsala at namatay sa natural na kalamidad.