Taylor Swift, nananatiling undefeated sa Billboard Hot 100

Nananatiling “undefeated” ang pop star na si Taylor Swift sa Billboard Hot 100 matapos ma-dominate nito ang charts, kabilang na ang top spot.

Ayon sa Billboard, nakuha ni Taylor ang number one spot para sa kanyang kanta na “Is It Over Now? (Taylor’s Version) [From the Vault].”

Read More:  Claudine Barretto files cyber libel complaint against Cristy Fermin, Romel Chika

Umabot na ito sa 32 million streams, 4.7 million radio airplay audience impressions, at 5,000 downloads.

Bukod pa rito, nakuha rin ni Taylor ang top 2, 3, 5, 6, 7, 9, at 10th spot para sa mga iba nitong kanta.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Kamakailan ay inilabas ni Swift ang re-recording ng kanyang album na “1989,” tampok ang mga ibang chart-topping hits na “Shake it Off,” “Style,” at “Blank Space.”