NBI, inaresto na sina Senior Agila at 12 pang opisyal at miyembro ng SBSI sa huling pagdinig ng Senado

Pinosasan at isinakay na nga sa van ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jey Rence Quilario o mas kilala sa tawag na “Senior Agila”.

Ito ay matapos maisilbi sa kanya ang warrant of arrest dahil sa kasong human trafficking.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ayon sa NBI at Philippine National Police (PNP), habang kasalukuyan pang nagkaroon ng pagdinig kanina ay nakaantabay na sila sa labas ng Senado para sa paglabas ni Quilario at maging ng mga opisyal at miyembro nito.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ito nga ay upang maaresto ang mga ito dahil hindi naman umano pupwedeng hulihin ang mga ito sa loob ng gusali.

Maalala si Senior Agila ang kinikilalang presidente o lider ng hinihinalang kultong Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) sa Socorro, Surigao Del Norte.