Pagtitipid sa enerhiya, ipinanawagan ng NEDA sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas

Binigyang-diin ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon ang pangangailangan sa pagtitipid ng enerhiya sa gitna ng nangyayaring gulo sa Israel at Palestine militant group na Hamas.

Sa isang press briefing, sinabi ni Edillon na maraming nang nagawa ang gobyerno na konektado sa epekto ng tensyon sa Israel.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Mariing sinabi rin nito na dapat maging malinaw sa pamahalaan ang priorities ng bansa na kung sakaling mag-escalate ang girian sa lugar, uunahin ng gobyerno ang kaligtasan ng mag OFWs.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Kasunod nito ay iginiit nna ng opisyal na dapat magkaroon ng energy conservation measures ang Pilipinas, lalo pa’t isa sa agad na maaapektuhan ay ang fuel at energy prices.