Subsidiya para sa PUV modernization tataasan ng pamahalaan

Tataasan ng pamahalaan ang subsidiya sa mga transport operators upang makabili ng modern jeepneys .

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, hihilingin ng Department of Transportation sa mga mambabatas na maglaan ng pondo para sa 2024 national budget, upang mapalitan ng mga operator ang kanilang mga unit ng bago.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Sinabi ni Baustista, ang price range para sa modern jeepneys ay mula P1.5 milyon hanggang P2.5 milyon at ang electric version ay nagkakahalaga ng nasa P3 milyon.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Layunin ng subsidiya na matulungan ang mga jeepney operator para makakuha ng loan mula sa mga banko.

Samantala, sinabi naman ng transport group na napakaliit pa rin ng P210,000 subsidy kumpara sa kasalukuyang presyo ng modernized vehicles.