Mahigit P47M halaga ng cocaine, nasabat sa interdiction operation sa NAIA

Arestado ang isang Bolivian National matapos mahulihan ng mahigit P47 milyong pisong halaga ng cocaine sa kanyang pagdating sa NAIA Terminal 3.

Kinilala ang suspek na si Roberth Lavadenz Alvarez, 30 anyos, na ngayon ay nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Sa report ng Bureau of Customs, nakuha sa foreigner ang isang bagahe na naglalaman ng humigit-kumulang 8,999.11 gramo ng Cocaine na may tinatayang Standard Drug Price na Php47,695,283.00.

Ayon kay Alvarez, may isang African National ang nag alok sa kanya na ibyahe ang mga kontrabando sa Maynila at saka babayaran ng $5,000 dollars.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Batay sa travel record, nabatid na galing ang suspek sa Sao Paulo, Brazil sakay mula sa flight ng Addis Ababa, Ethiopia.