Mga campaign posters, pinatatanggal na ng COMELEC sa mga kumandidato

Pinatatanggal ng Commission on Elections ang mga campaign paraphernalias na ikinabit ng mga kandidato at mga tagasuporta para sa Barangay at sangguniang Kabataan Election.

Ito ay dahil hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga posters ang hindi pa inaalis kahit pa tapos na ang halalan.

Read More:  Kabankalan dairy hub targets 640,000 liters of milk yearly

Ayon kay Zambales Election Supervisor at Asst. Regional Dir. Atty.Elmo Duque, malinaw sa mga kumandidato na limang araw lang pagkatapos ng proklamasyon ay dapat nang matanggal ang mga posters.

Read More:  ₱1-M misdeclared medical device shipment seized by BOC in Cebu

Para kay Duque, ang kusang pag-aalis ng campaign materials ay palatandaan ng isang may malasakit at responsableng lider.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO