2 Pilipinong doktor nakarating na sa Egypt

Nakarating na sa Egypt ang dalawang Pilipinong medical staff na kabilang sa mahigit 300 non-Palestine na pinadaan sa nagbukas na Egypt-border.

81 sugatan na Palestino naman ang pinayagang makatawid ng Egypt upang mabigyan ng lunas.

Read More:  Orly Guteza recants suitcase allegations against Martin Romualdez

Nakalusot na rin sa border ang nasa 300 foreign citizen na mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa mga otoridad inaasahang magbubukas ang borders para sa mas maraming foreign passport holders sa mga susunod na araw.

Read More:  Abante says Duterte impeachment trial should end before December

Tuloy rin ang pagpasok sa borders ng humanitarian aid papuntang Gaza bagama’t kapos pa rin ang pagkain, tubig at tulong medikal.

Samantala, personal ng nakiusap ang embahada ng Pilipinas ang mga opisyal sa Egypt kabilang na ang counterpart nito para payagan makatawid ng border ang mga natitirang Pilipino.