Dagsa ng mga pasahero pagkatapos ng Undas sa Bicol Central Station, inaasahan na

NAGA CITY – Inaasahan na ng Bicol Central Station sa Naga City, ang dagsa ng mga pasaherong babalik lalo na sa Maynila ngayong tapos na ang Undas.

Kung kaya’t ito ang mas pinaghahandaan ngayon ng naturang opisina.

Read More:  ‘Butlak’ aims to surpass P151-M sales from 2025 Negros Trade Fair

Sa panayam kay Jenrylis Bolocon, Security Officer ng BCS, sinabing handa na ring magbigay ng extra buses ang lahat ng mga bus company sakali mang dumagsa pa ang mga pasahero lalo na ang mga hindi nakapagpabooked.

Read More:  Two soldiers killed in Maguindanao del Norte ambush

Nilinaw na rin ng opisyal na hindi naman tumaas ang pamasahe papuntang Maynila, dahil tuwing ganitong peak season ay ilan sa mga bus company nagpapababa ng pasahe, sa regular ₱750.00-P800.00 bawat isa, sa air condition naman ₱1,200.00- ₱1,500.00