Kaso laban sa mga sangkot sa vote-buying, inihahanda na

Inihahanda na ng Commission on Elections (COMELEC) ang karagdagan pang kaso laban sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nasangkot sa vote-buying.

Sa huling tala ng Task Force Kontra Bigay, mayroong kabuuang 123 na mga reklamo ng bilihan o bentahan ng boto.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa naturang bilang, 27 na rito ang mga naihain na.

Samantala, una nang sinabi ni COMELEC Spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na 59 na mga nanalo sa BSKE ang na-suspend ang proclamation dahil sa mga pending na disqualification cases.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Target umano ng poll body na ma-resolba ang mga kasong ito bago mag-Disyembre.