Higit 1M katao, dumagsa sa Manila North Cemetery

Dumagsa ang higit 1M katao sa Manila North Cemetery upang gunitain ang Undas 2023, batay sa tala ng Manila Police District.

Read More:  Passenger arrested after alleged bomb joke at Tacloban airport

Nag-extend na rin ng isang oras na pagbisita ang pamunuan ng nasabing sementeryo upang pagbigyan ang nais pang humabol sa pagbisita.

Dahil dito, 6PM sinara sa publiko ang gate ng naturang sementeryo na dapat sana’y 5PM.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Samantala, marami pa rin ang naghintay sa labas dahil sila’y hindi nakahabol sa itinakdang oras ng Manila North Cemetery.