3 flying voters sa Binondo, arestado

Nahuli ang tatlong flying voters na pawang residente ng Bagong Silang Caloocan City habang nagtangkang bumoto gamit ang ibang pangalan sa Binondo.

Read More:  Madrasa teacher killed in shooting at Muslim Village in Davao City

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), P500 umano ang ibinayad sa mga flying voters kapalit ang kanilang mga boto.

Nakuha sa mga suspek ang isang cellphone kung saan nakasulat ang pangalan ng mga kandidatong iboboto sana.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng MPD ang insidente dahil may lima pa umanong kasama ang mga suspek na nakatakas.