Final estimates sa inaasahang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, alamin

Matapos ang limang araw na international trading – nadagdagan pa ang magiging paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry sources – posibleng magtaas mula P0.30 hanggang P0.80 ang kada litro ng gasolina.

Read More:  VP Duterte says officials should stop politics and prioritize peace, order, and development

Sa kabila nito, rollback naman ang inaasahan sa diesel, mula P1.00 hanggang P1.50; habang P0.80 naman hanggang P1.30 naman ang posibleng itapyas sa kada litro ng kerosene.

Read More:  Cayetano seeks Senate approval for Estrada, Marcoleta trial participation

Iaanunsyo ang opisyal na price adjustment sa araw ng Lunes – habang magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.