DMW, tiniyak na hindi magiging “abandonment of duty” ang pagpapauwi sa mga Pinoy mula Israel

Siniguro ng Department of Migrant Workers na hindi ituturing na “abandonment of duty” ang repatriation efforts sa mga Pilipinong naipit sa hidwaan ng Israel at Hamas.

Sa pagdinig ng House Overseas Workers Affairs Committee, sinabi ni Migrant Workers Officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na bahagi ng kanilang proseso ang pagtitiyak na maayos na makikipaghiwalay sa employer ang mga Pilipinong pauuwiin mula sa Israel.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Mahalaga aniya ang pagkakaunawaan sa pagitan ng OFW at ng kanilang employer upang malaya silang makabalik sa trabaho sa oras na humupa ang tensyon sa naturang bansa.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Paliwanag ni Cacdac, ang positibong paghihiwalay ay mangangahulugan na naiintindihan ng mga employer na kailangan nang umuwi ng ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan, umabot na sa limampu’t siyam na Filipino migrant workers ang nakauwi sa bansa mula sa Israel dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.