Phil. Consul, inaalam kung may Pilipinong nadamay sa Mass shooting sa Maine US

Inaalam pa ng Philippine Consulate General Office kung may Filipino bang nadamay sa pamamaril sa Lewiston Maine sa Estados Unidos na nagresulta sa pagkasawi ng 22 indibidwal.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sinabi ni Consul General Senen Mangalile na kinakausap nila ang mga Filipino community leader sa Maine kaugnay sa sitwasyon.

Umabot na sa 22 katao ang nasawi at nasa 50 hanggang 60 ang sugatan sa mass shootings sa iba’t ibang lokasyon sa Lewiston, Maine kabilang ang isang bowling alley at isang bar.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Tukoy na ng Lewiston Police Department ang person of interest sa mass shooting sa nangyaring insidente.