Philippine Air Force, nag-deploy na ang air assets para sa relief operations sa General Nakar, Quezon

Nagpadala na rin ang Philippine Air Force (PAF) ng mga air assets nito para makatulong sa rescue and relief operations sa landslide sa General Nakar, Quezon.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo – ipinadala nila ang isang S-70i ‘Black Hawk’ chopper, at ang kanilang Super Huey helicopter na bahagi ng Tactical Pperations Wing – Southern Luzon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Bago ito, una na ring ginamit ang kanilang helicopters para sa pagta-transport ng mga labi ng apat na minero.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Sa inisyal na impormasyon mula sa Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nangyari ang pagguho ng lupa.

Posible raw na bunsod ito ng ilang araw na nararanasang pag-ulan kaya’t lumambot ng tuluyan ang lupa at natabunan ang apat na minero.