Isang senador, isinusulong ang Youth Suicide Prevention and Intervention Bill

Isinusulong ni Senador Mark Villar ang panukalang Youth Suicide Prevention and Intervention Act upang malabanan ang tumataas na kaso anxiety sa bansa.

Ito ay matapos na matuklasana na umabot na sa 404 na mag-aaral ang nagpakamatay nitong academic year of 2021-2022 habang 2,147 estudyante naman ang napaulat na nagtangkang magpakamatay sa katulad na panahon.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Dahil dito, inihain ni Sen. Mark Villar ang Senate Bill No. 1669, o ang Act to Provide Early Youth Suicide Intervention and Prevention Expansion sa pag-asang ma-institutionalize ang suicide intervention sa buong bansa.

Read More:  Marcos reveals childhood dreams of becoming a rockstar, scientist

Ayon sa senador, na magagawa ito sa paglikha ng life planning education sa lahat ng kabataang Filipino at magbigay ng kaukulang pagsasanay at awareness sa kinauukulang stakeholders sa loob ng mga paaralan.

Palalakasin din nito ang pagkalap ng isang psychologists sa bawat paaralan upang magbigay ng paunang interbensiyon sa kabataang mag-aaral.