Nakipagpulong si United States President Joe Biden sa mga pinuno ng iba’t ibang major Western countries upang pag-usapan ang nagaganap na digmaan sa Gaza.
Ayon sa White House, nakipag-usap si Biden sa mga pinuno ng Britain, Canada, France, Germany at Italy.
Iginiit ng mga pinuno na sinusuportahan nila ang Israel at ang karapatan nito na ipagtanggol ang sarili laban sa terorismo, kaya’t nanawagan sila sa pagsunod sa mga international humanitarian laws.
Nangako rin ang mga world leaders na makikipag-ugnayan sila sa mga kinauukulan upang matiyak ang sapat na access sa pagkain, tubig, pangangalagang medikal, at iba pang tulong na kinakailangan para sa mga apektado.
