Ina ng criminology student na biktima ng hazing, dumating na sa Pilipinas

Nakabalik na sa Pilipinas ang ina ng criminology student at biktima ng hazing na si Ahldryn Bravante.

Ayon kay Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Atty. Melanie Quiño, napilitang umuwi mula sa Oman ang nanay ni Ahldryn dahil sa sinapit ng kanyang anak.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Naging emosyonal si Cheryl Bravante sa pagharap sa media habang nananawagan sa mga suspek na sila’y sumuko na upang makamit nito ang hustisya.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Samantala, ihahatid ng OWWA si Cheryl papunta sa burol ng kanyang anak sa Imus, Cavite.