Lagpas 40 probinsya sa bansa, posibleng makaranas ng meteorological drought dahil sa El Niño

Posibleng maranasan ang peak ng El Niño sa katapusan ng buwan ng Pebrero at Marso.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Ana Liza Solis ang Asst. Weather Services Chief ng PAG ASA, mararamdaman ang pagkakaroon ng below normal na pag ulan sa katapusan ng November hanggang Marso.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Base sa monitoring at forecast ng PAGASA, tinatayang nasa 26 na mga probinsya sa bansa ang posibleng makaranas ng dry spell.

Lalo na ang mga lugar na nasa bahaging Visayas at Mindanao.

45 provinces naman ang tinatayang makakaranas ng meteorological drought o labis na kabawasan sa tubig ulan.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Ang dry spell ay kapag nasa 3 buwang magkakasunod-sunod na nakakaranas ng lagpas 60% reduction sa tubig ulan.

Habang meteorological drought naman ang tawag sa 5 buwan na sunod sunod na nasa 21-60% na may kabawasan sa tubig ulan.