Justin Brownlee, hindi papabuksan ang sample B ng urine test

Matapos malamang parehas na urine sample ang ipabubukas para sa pangalawang doping test, winaive ni Justin Brownlee ang paggamit ng kaniyang B sample, ayon ito kay Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino.

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Sabi ni Tolentino, hinihintay na lang nila ang magiging desisyon ng International Testing bago gumawa ng kanilang susunod na hakbang.

Habang hinihintay ang pasya ng ITA, inaasikaso na ni Brownlee ang mga medical documentation nito na gagamiting pang-apela sa desisyon ng testing agency.

Read More:  PSC to discuss penalties for online resale of athletes’ Asian Games gear

Kung sakaling guilty ang professional player, maaaring hindi ito makalaro sa PBA Commissioner’s Cup at masuspinde sa paglalaro ng 2 years.

Samantala, naghahanap naman ngayon ng kapalit na import ang Brgy. Ginebra para sa PBA Commissioner’s Cup.