Inspeksyon sa mga Christmas lights at Noche Buena items, sinimulan na ng DTI

Habang papalapit na ang holiday season, sinimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang quality inspection sa mga Christmas lights at appliances.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon sa DTI, ang mga item na aprubado at may markang safe ay may mga holographic ICC sticker sa produkto.

Sinuri din ng kagawaran kung ang Noche Buena items ay ibinebenta ayon sa price guides ng gobyerno.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Habang may inaasahang mga mark-up ng presyo sa ilang mga item, tiniyak naman ng mga manufacturers na hindi ito mararamdaman ng mga mamimili.