Suplay ng bigas sa Bicol Region, sapat bago magtapos ang taong 2023 – NFA Bicol

LEGAZPI CITY – Sapat at hindi magkukulang ang suplay ng bigas sa Bicol Region bago sumapit ang Pasko o bago magtapos ang taong 2023 ayon sa National Food Authority (NFA) Bicol.

Ito ang tiniyak ni NFA Bicol Information Officer Jaharah Pavilando sa Brigada News FM Legazpi.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa panayam sakanya, sinabi niya na very sufficient ang kanilang inventory hindi lamang sa mga bigas kundi pati na sa mga palay.

Aniya, dadami pa ang bilang at suplay nito dahil nagsisimula pa lamang ang main harvest season kaya’t madadagdagan pa ang palay na kanilang mabibili.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Samantala, ibinahagi naman ni Pavilando na mayroong increase sa palay procurement ng NFA Bicol sa rehiyon dahil sa buffer stocking incentive na idinagdag ng Marcos administration noong nakaraang buwan.