Ipinagdiriwang ng Brigada Group of Companies ang ika-18 na taon sa industriya ngayong araw.
Sa pamumuno ni Brigada News Philippines President at Chief-Executive Officer na si Elmer Catulpos, nanatili ang dedikasyon ng kumpanya sa pamamagitan ng paghubog ng mga ideya na magbibigay serbisyo sa sambayanang Pilipino.
Kabilang na rito ang mga adbokasiya tulad na lamang ng ‘End Stunting Now Advocacy’ na layong tugunan ang problema ng stunting o pagka-bansot ng mga kabataan sa Pilipinas.
Mula sa sigle-page na newspaper noon na siyang pinagsimulan ng business ng CEO na si Mr. Catulpos ay patuloy ng dumarami nasa mahigit 50 radio stations ang Brigada Mass Media Corporation na pinananatiling ang dedekasyon sa pagbibigay ng napapanahong mga balita para sa bayan.
Hindi naman natatapos sa mga maasahang balita ang ibinabahagi ng Brigada dahil sa lumalawak na nasiserbisyuhan ng Brigada Pharmacy bilang isa rin sa adbokasiya ng Brigada ang pangalagaan ang kalusugan ng sambayanan sa tulong ng mga Brigada Healthline Corporation-Manufacturing.