Ex-gf ni Francis M., lumantad sa social media kasama ang anak

Matapos ang 15 taong pananahimik, lumantad muli sa social media ang dating karelasyon ni Francis M. o Francis Magalona na si Abegail Rait, kasama ang kanilang 15-anyos na anak na si Cheska.

Sa isang vlog, inilahad ni Abegail na nanahimik sila ng kanyang anak sa loob ng labinlimang taon dahil alam nitong iju-judge siya ng tao.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Maalalang dalawang buwan matapos pumanaw si Magalona noong 2009 ay lumitaw ang mga larawan nila ni Abegail ngunit hindi ito masyadong napagusapan sa media bilang respeto sa yumaon rapper.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Bukod sa kanilang nakaraan, ibinahagi rin nito pagdalaw nila ni Cheska sa puntod ni Francis M. sa Loyola Memorial Park, nang gunitain ang 59th birth anniversary nito noong October 4.