Mga Pilipinong apektado sa Israel at Hamas conflict, makakatanggap ng financial aid

Inanunsyo ng Palasyo na makakatanggap ng mahigit P200,000 na tulong pinansyal ang mga pamilya ng mga napatay na Pilipino sa nagpapatuloy na digmaan ng Israel at Hamas.

Magbibigay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng P200,000 assistance para sa pamilya ng 3 Pinoy na nasawi sa labanan, at P50,000 naman mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inutusan ni Marcos ang mga ahensya na magbigay ng tulong pang-edukasyon sa mga anak ng mga biktima, gayundin ang tulong pangkabuhayan at suportang medikal para sa mga pamilya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Samantala, inihayag naman ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na ang mga pinauwing Pilipino mula sa Israel at Gaza ay makakatanggap ng P10,000 kapag sila’y nakabalik na ng bansa.