Manibela, bumwelta sa patutsada ng MMDA

Nanindigan ang Manibela transport group na epektibo ang isinagawa nilang tigil-pasada, salungat sa patutsada ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes.

Sinabi ni Artes, na wala umanong masyadong epekto ang ginawang welga sa sektor ng pampublikong transportasyon sa buong bansa.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Bwelta naman ng grupo na sinungaling umano ang chairman ng ahensya dahil nasa opisina lang ito at walang alam sa nangyayari sa labas.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, tila parang ghost town ang mga kalsada sa Metro Manila sa gitna ng transport strike.

READ MORE:

Grupong Manibela, pinabulaanan ang umanoy bigong transport strike claim ng MMDA