Abo ni PNoy, nakalagak na sa Ateneo campus para sa public viewing

Maagang pumila ang mga supporters ng yumaong si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa labas ng Gate 3 ng Ateneo de Manila University campus sa Quezon City para sa public viewing ng mga labi ng dating presidente.

Naihatid sa simbahan ang urn laman ang mga labi ng dating pangulo bandang alas 9 ng umaga mula sa Green Meadows Subdivision.

Alas 9:55 ng umaga sinimulan ang public viewing sa Church of the Gesu sa labas ng unibersidad at tatagal hanggang mamayang alas 10 ng gabi.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Nagsagawa muna ng private arrival ceremony bago ang public viewing at binuksan ang gates kaninang alas 9:45.

Marami sa mga pumila ang nakasuot ng puti at dilaw, kulay na tumatak sa partido ni Aquino na Liberal Party.

Ipinatutupad naman ang social distancing sa pila sa gitna ng COVID-19 pandemic. Mahigpit ding oobserbahan ang health at safety protocols sa viewing kung saan kailangang mag-fill out ang mga bibisita sa contact tracing form.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Mababatid na pumanaw kahapon ng umaga si PNoy sa edad na 61 at crinemate na ang kanyang mga labi. Ililibing ang dating pangulo bukas.

Una nang sinabi ng mga kapatid ni Aquino na payapang pumanaw si PNoy sa kanyang pagtulog at ang cause of death ay renal disease secondary to diabetes.