SORSOGON CITY – May nakalaan nang 4, 920 dosis ng bakuna ang lalawigan ng Sorsogon.
Ayon sa DOH-Center for Helath Development, dumating noong Miyerkules ang aabot sa 19, 680 na dosis ng Sinovac vaccine. Inimbak muna ito sa DOH para sa imbentaryo.
Ayon pa sa kagawaran, ang 3,840 dito ay nakalaan din sa lalawigan ng Albay at Camarines Norte na makatatanggap ng 1,400 dosis at Camarines Sur-9,520 na dosis.
Umano’y ang mga ito ay nakalaan para sa second dose ng vaccinees na kabilang sa A1, A2 at A3 priority groups.
Nakasaad sa istatistika ng DOH Vaccine na ang rehiyong Bicol ay nakatanggap na ng kabuuang 258,380 na dosis at sa bilang na ito, 185,921 na dosis o 72 porsyento ang naibigay na.
Sa pamamahagi ng bakuna simula pa noong Hunyo 17, ang Sorsogon ay nakatanggap nan g 38,056 na dosis habang ang Camarines Sur ay nakatanggap ng 77,544 na dosis, Albay-60,932; Masbate-42,078; Camarine Norte-20,960 at ang lalawigan ng Catanduanes ay nakatanggap na ng 18,810 na dosis.
