Hacking sa website ng Kamara, walang nakuhang sensitibong impormasyon – Velasco

Ibinunyag ng IT team ng House of Representatives na ‘binaboy’ o na-deface ang website ng Kamara matapos itong na-hack.

Ayon kay Secretary General Reginald Velasco, wala namang sensitibong impormasyon, confidential at personal data na nakuha ang hackers.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Paliwanag ni Velasco, ang website ng House of Representatives ay para naman sa publiko tulad na lamang ng panukalang batas at mga pagdinig sa Kamara.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Bukod dito, bibili rin ang Kamara ng mga karagdagang cybersecurity equipment at makikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Bureau of Investigation (NBI) para sa isinasagawang imbestigasyon.